Kasunod ng pag-implementa at patuloy na pagtakbo ng Fuel Subsidy Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), narito ang mga hakbang upang makuha ng mga benepisaryo ng programa ang kanilang Pantawid Pasada Card (PPC) na may lamang Fuel Subsidy.

Ang prosesog ito ay eksklusibo sa mga benepisaryong sakop ng LTFRB at wala pang PPC. Ang mga benepisaryo na mayroon ng PPC ay matanggap ang Fuel Subsidy direkta sa kanilang account. Bukod dito, mayroon ding direktang mabibigyan ng subsidiya sa pamamagitan ng E-wallet

Para sa mga benepisaryong kukuha pa lamang ng kanilang PPC, mangyaring sundin ang mga sumusunod na hakbang upang agarang makuha ang subsidiya:

1.) I-check ang inyong pangalan at branch ng Landbank of the Philippines (LBP) kung saan maaaring makuha ang inyong PPC sa link na ito: https://ltfrb.gov.ph/?p=10124

2.) Sa pagkuha ng inyong PPC sa itinalagang LBP branch, dalhin ang mga sumusunod upang makumpirma na kayo ay benepisaryo ng Fuel Subsidy Program:

a.) Isang (1) Valid Government-issued Original ID ng franchise holder

b.) Original Copy ng Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR), o Certified True Copy ng OR/CR kung ang sasakyan ay hawak ng bangko, o Original Copy ng Certificate of Public Convenience (CPC)

c.) Duly-signed na Deed of Undertaking. Maaring i-download sa LTFRB website ang form ng Deed of Undertaking. Pagkatapos punan ang detalyo sa form, ipadala sa email ang signed Deed of Undertaking sa concerned LTFRB office:

Central Office: ismd@ltfrb.gov.ph

NCR: ncr@ltfrb.gov.ph

RFRO 1: r1@ltfrb.gov.ph

RFRO 2: r2@ltfrb.gov.ph

RFRO 3: r3@ltfrb.gov.ph

RFRO 4: r4@ltfrb.gov.ph

RFRO 5: r5@ltfrb.gov.ph

RFRO 6: r6@ltfrb.gov.ph

RFRO 7: r7@ltfrb.gov.ph

RFRO 8: r8@ltfrb.gov.ph

RFRO 9: r9@ltfrb.gov.ph

RFRO 10: r10@ltfrb.gov.ph

RFRO 11: r11@ltfrb.gov.ph

RFRO 12: r12@ltfrb.gov.ph

RFRO CAR: car@ltfrb.gov.ph

RFRO CARAGA: caraga@ltfrb.gov.ph

Siguraduhing naipadala sa e-mail at natanggap ng LTFRB ang inyong Deed of Undertaking bago pumunta sa LBP branch.

3.) Kung may mali sa impormasyon na hawak ng LBP na hindi tugma sa CPC ng franchise holder, magprisinta ng Certificate of Discrepancy na galing sa LTFRB

4.) Kung ang mismong benepisaryo ay hindi personal na makukuha ang kanyang PPC sa LBP branch, maaari siyang magpadala ng kinatawan upang kunin ito kasama ang mga sumusunod na dokumento:

a.) Noratized Special Power of Attorney (SPA) mula sa CPC holder na nagbibigay ng pahintulot sa kanyang kinatawan na pumirma sa mga dokumento kabilang ang Deed of Undertaking at sa pagkuha mismo ng PPC. Kung ang CPC holder ay wala sa bansa, kailangan magsumite ng authenticated SPA na may red ribbon. Sa parehong SPA, kailangang naendorso ito ng LTFRB o ng concerned department.

b.) Isang (1) Valid Government-issued Original ID ng franchise holder

c.) Isang (1) Valid Government-issued Original ID ng kinatawan o ahenta ng CPC holder

d.) Photocopy ng mga mga ID na may tatlong (3) pirma, maliban na lang kung ang CPC holder ay nasa ibang bansa

e.) 1×1 photo ng CPC holder na may tatlong (3) pirma, maliban na lang kung ang CPC holder ay nasa ibang bansa

f.) Original Copy ng Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR), o Certified True Copy ng OR/CR kung ang sasakyan ay hawak ng bangko

g.) Original Copy ng Certificate of Public Convenience (CPC)

c.) Kung ang CPC holder ay pumanaw nan ang ipatupad ang programa, ang tagapagmana/benepisaryo/kinatawan ay kailangang isumite ang mga sumusunod na dokumento:

i.) Extrajudicial Settlement with Waiver of Rights/Affidavit of Self-adjudication

ii.) Death Certificate

iii.) Endorsement mula sa LTFRB

Ang mga nabanggit na dokumento na dadalhin at isumite sa LBP ng kinatawan o ahente ng benepisaryong hindi personal na kukunin ang kanilang PPC ay dadaan sa pagsusuri ng LTFRB, na siyang magbibigay ng endorsement na nagpapatunay na lehitimo ang mga dokumento ng benepisaryo ng Fuel Subsidy Program.

Ang anumang gawaing hindi tugma o lantarang pagsaway sa proseso ng pagkuha ng Fuel Subsidy ay maaaring magdulot ng pag-disqualify ng benepisaryo na makatanggap ng subsidiya.

Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan patungkol sa Fuel Subsidy Program, maaaring tumawag sa aming LTFRB 24/7 Hotline: 1342 o mag-send lang ng message sa LTFRB Official Facebook page o magtungo sa official website ng LTFRB.