TINGNAN: Sinubukan ng bagong upong Chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, kasama ang mga kasamahan nya sa ahensya ang pagsakay sa EDSA Busway ngayong araw, ika-12 ng Hulyo 2022.

Isinagawa nila ang pagpunta sa Edsa Busway Monumento ng 7 ng umaga upang maobserbahan ang galaw ng mga pasahero at mga Public Utility Bus (PUB) sa naturang daan hanggang sa huling estasyon nito sa PITX sa Parańaque City.

Sa ngayon, nanatili ang Libreng Sakay sa EDSA Busway sa ilalim ng Service Contracting Program hanggang ika-31 ng Hulyo 2022.

#LTFRB
#LibrengSakay
#ServiceContractingProgram