Si Reynaldo ay isang driver sa rutang NLET-PITX na sumali sa Service Contracting Program Phase 3.
Ayon sa kanya, malaking tulong ang programa sa katulad niyang driver dahil sa karagdagang kita na hatid nito. Bukod dito, hindi na aniya kailangan pang maghabol ng byahe at pasehero kumapara noon.

Ang Service Contracting Program ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter, operator, at driver.

Patuloy na naniniwala ang ahensya na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok nito, gayundin ang pamasaheng natitipid ng mga commuter, upang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan, lalo ngayong marami tayong mga kababayan ang patuloy na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic, at patuloy na pagtaas ng gasolina at mga bilihin.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga conductor, operator at driver na tulad ni Reynaldo sa ating mga commuter.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes #DOTrPH
#LTFRB #LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento