Si Jhayden ay isang commuter mula sa Region 9 na patuloy na natutulungan ng Service Contracting Program.

Ayon sa kanya, P65 kada araw ang natitipid niya sa pagpasok dahil sa Libreng Sakay.

Ang programa ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter, operator, at driver.

Patuloy na naniniwala ang ahensya na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok nito, gayundin ang pamasaheng natitipid ng mga commuter, upang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan, lalo ngayong marami tayong mga kababayan ang patuloy na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic, at patuloy na pagtaas ng gasolina at mga bilihin.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga conductor, operator at driver sa ating mga commuter tulad ni Jhayden.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes #DOTrPH
#LTFRB #LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento