Si Beth ay isang operator mula sa Region 11 na sumali sa Service Contracting Program Phase 3.

Ayon sa kanya, ang Service Contracting Program ay malaking tulong sa pagpapatuloy ng kanilang operations lalo na at patuloy ang fuel price hike at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ang Service Contracting Program ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter, operator, at driver.

Patuloy na naniniwala ang ahensya na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok nito, gayundin ang pamasaheng natitipid ng mga commuter, upang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan, lalo ngayong marami tayong mga kababayan ang patuloy na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic, at patuloy na pagtaas ng gasolina at mga bilihin.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga driver, conductor at operator na tulad ni Beth sa ating mga commuter.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes #DOTrPH
#LTFRB #LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento