Inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasa sampung (10) modern Public Utility Bus (PUB) ng Davao Metro Shuttle Corporation sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) ngayong araw, ika-15 ng Hunyo 2022, sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Dumalo sa isinagawang launching sina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Atty. Mark Steven Pastor, LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, LTFRB Board Member Col. Joel Pernito (ret.), LTFRB Board Member Engr. Sherwin Begyan, LTFRB Executive Director Ma. Krsitina Cassion, LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, LTFRB Franchising Planning ang Monitoring Division OIC Diosdado Santiago Jr., LTFRB Region III Director Nasrudinc Talipasan, LTFRB Region VIII Director Gualberto N. Gualberto, LTFRB Region X Director Aminoden Guro, LTFRB Region XI Director Nonito Llanos II, at LTFRB Region XII Director Col. Paterno Padua (ret).

Kasama rin sa mga dumalo ay sina Metro Manila Development Authority Chief of Staff Michael Salalima, Inter-Agency Council on Traffic Chief Charlie Del Rosario, Office of Transportstion Cooperatives OIC Eugene Pabualan, PITx Head of Corporate Affairs and Government Relations Jason Salvador, at Davao Metro Shuttle Corporation CEO De Carlo Uy.

Nagpasalamat si DOTr Usec. Pastor sa Davao Metro Shuttle dahil sa kanilang determinasyon na makasali at makatulong sa layon ng gobyerno tungo sa modernisasyon.

“Davao Metro Shuttle is proof that nothing is impossible with modernization. Within Metro Manila or even the farthest reaches of the country, we continue to serve the public until the end through modernization, which we hope to contniue onto the next administration,” ani DOTr Usec. Pastor.

Ayon naman kay LTFRB Chairman, bagamat patapos na ang Administrasyong Duterte, tuloy pa rin ang trabaho hanggang sa huli.

“Napaka-symbolic ng rutang ito dahil bukod sa achieving the objectives of the PUVMP, we establish interconnectivity; from Luzon, from Visayas, and from Mindanao,” ani LTFRB Chairman Delgra.

Ito ang kauna-unahang ruta ng PUB papunta at paalis ng Davao City mula PITx.

Ang mga naturang bus ay tatakbo sa direktang ruta mula PITx hanggang Davao City, na dadaan ng Candelaria, Quezon at sasakay ng Ro-Ro. Nasa P3,680 ang one-way ticket ng ruta, na kasama na ang bayad sa pagsakay ng Ro-Ro. Tatagal ng tatlong araw ang biyahe mula PITx hanggang Davao.

Ang PUVMP ay isang programa ng administrasyong Duterte na naglalayong makapagbigay nang maayos, moderno, komportable at ligtas na pampublikong transportasyon sa bansa. Layon ng programa ang mapabuti ang sistema ng mga pampublikong sasakyan hindi lang para sa mga mananakay, kundi pati sa mga drayber at operator upang magkaroon sila ng sapat at marangal na kabuhayan.

#LTFRB
#DOTrPH
#OTC
#PUVMP
#PUVModernizationNow
#PartnersForChange
#ComfortableLifeForAll
#DuterteLegacy