Ayon sa kanya, malaking tulong ang programa sa mga katulad niyang driver dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng dagdag na kita at pangtustos sa mga pangangailangan sa araw-araw.

Ang Service Contracting Program ay ipinatupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tugunan ang pangangailangan ng mga commuter, operator, at driver.

Patuloy na naniniwala ang ahensya na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok nito, gayundin ang pamasaheng natitipid ng mga commuter, upang matustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan, lalo ngayong marami tayong mga kababayan ang patuloy na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic, at patuloy na pagtaas ng gasolina at mga bilihin.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga conductor, operator at driver tulad ni Teodoro sa ating mga commuter.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes #DOTrPH
#LTFRB #LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento