Ipinapaalam sa publiko ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang 12:00pm na lang ang operasyon ng LTFRB Central Office at LTFRB-NCR ngayong araw, ika-25 ng Hulyo 2022, upang magbigay-daan sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gaganapin mamayang hapon.

Ang anunsyong ito ay kasunod ng inilabas na memorandum ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pagsuspinde ng operasyon ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon.

Bagamat hanggang 12:00pm lang ang operasyon ng LTFRB, maaaring ipaabot ang inyong mga katanungan, reklamo, ulat, at concerns sa ating official Facebook Page at Facebook messenger. Maaari ring mag-email sa pacd@ltfrb.gov.ph.

Regular na bisitahin ang Official LTFRB Facebook Page para sa mga update at iba pang mahahalagang balita at anunsyo.

#LTFRB