TINGNAN: Narito ang listahan ng mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program na nakatanggap na ng kanilang subsidiya na panggastos para sa gasolina na ginagamit sa araw-araw nilang biyahe.

Ang fuel subsidy ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay ipinamahagi sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Card (PPC) na ibinigay ng Landbank of the Philippines (LBP). Para naman sa iba pang benepisyaryo tulad ng delivery services at mga tricycle, naibigay ang fuel subsidy sa kanilang e-wallet.

Ang Fuel Subsidy Program ay programa ng DOTr at LTFRB upang makatulong sa gastusin ng mga PUV driver sa kanilang biyahe kasunod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Para makita ng mga PUV operator kung kasama sila sa makatatanggap ng Fuel Subsidy, i-click lamang ang link na ito:

Masterlist of Beneficiaries with Credited Subsidy

Walang tigil ang ahensya sa pagpapatupad ng mga programang layong tumulong sa mga driver at operator ng pampublikong transportasyon. Kinikilala ng LTFRB ang tungkuling ginagampanan nila upang mapanatiling buhay ang ekonomiya ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan patungkol sa Fuel Subsidy Program, maaaring tumawag sa aming LTFRB 24/7 Hotline: 1342 o mag-send lang ng message sa LTFRB Official Facebook page o magtungo sa official website ng LTFRB.

#LTFRB

#FuelSubsidyProgram