Para kay Benigno, malaking tulong ang programa sa katulad niyang drayber dahil nagkaroon siya ng fixed na sahod kada buwan. Bukod dito, nakatutulong din ito sa mga pasahero na nabibigyan nila ng serbisyo sa pamamagitan ng Libreng Sakay.

Patuloy na naniniwala ang DOTr at LTFRB na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic, mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Para sa mga mananakay, ang natitipid nilang pamasahe ay maaring idagdag upang matustusan ang ibang pang-araw-araw na pangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga konduktor, opereytor at drayber tulad ni Benigno para sa mga pasahero.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes
#DOTrPH
#LTFRB
#LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento