Si Jhayson ay isang estudyante mula sa NCR na sumasakay sa EDSA Carousel Libreng Sakay.

Isa si Jhayson sa mga estudyanteng naseserbisyuhan ng programa sa muling pagsisimula ng face to face classes ngayong Agosto.

Ayon sa kanya, malaki ang naitulong ng programa sa mga katulad niyang estudyante dahil siya ay nakakatipid ng P20 sa pamasahe. Nagpapasalamat siya sa DOTr at LTFRB sa pagpapatuloy ng programa at umaasa siya na sana ay mas marami pang estudyante ang mabigyang serbisyo ng Service Contracting Program.

Patuloy na naniniwala ang DOTr at LTFRB na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic, mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Para sa mga mananakay, ang natitipid nilang pamasahe ay maaring idagdag upang matustusan ang ibang pang-araw-araw na pangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga konduktor, opereytor at drayber para sa mga pasahero.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes #DOTrPH
#LTFRB #LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento