“Ang nakuha kong payout sa tatlong linggong Libreng Sakay ay umabot sa P21,000. Dahil dito nabayaran ko ang tuition fee ng aking dalawang anak na nasa kolehiyo at isang high school. Nagkameron din ng puhunan ang aking misis sa kaniyang maliit na online business.”

‘Yan ang masayang ibinahagi ni Mr. Jamson Mandaresio Jr., driver ng CITSCO mula sa Region 6 na sumali sa Service Contracting Program Phase 3 ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Aniya, umaasa sila na mas lalo pang tumagal ang ganitong klaseng programa ng ating gobyerno.

Mula sa pamunuan ng DOTr at LTFRB, taos puso po ang aming pasasalamat sa inyong serbisyo para sa mga mananakay. Saludo po kami sa iyo, Sir Mandaresio!

Ito ang biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#DOTrPH
#LTFRB
#Kaisakay
#ServiceContractingProgram