Ang Service Contracting Program ay may layuning matulungan hindi lamang ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan sa panahon ng pandemya at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, bagkus ay layon din nitong ibsan ang gastusin ng ating mga komyuter higit lalo ang mga healthcare workers at iba pang sektor na umaasa sa pampublikong transportasyon.

Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa bawat konduktor, drayber at operator na bahagi ng programang ito. At sa 170,913,133 mananakay na naserbisyuhan ng programa, karangalan po namin ang mapaglingkuran kayo. Maraming salamat po at saludo kami sa inyo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SCP, i-click ang link na ito:

#LTFRB
#DOTr
#LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram