Isa si Roger sa mga driver na mula Phase 1 pa lamang ng programa ay katuwang na ng ahensya sa pagbibigay serbisyo sa ating mga kababayan.

Ayon sa kanya, mas naging mabilis at madali ang pagbiyahe dahil sa programang Libreng Sakay. Hindi na rin aniya nag-aagawan ang mga drayber sa pasahero para lamang may maiuwing kita sa pamilya.

Patuloy na naniniwala ang DOTr at LTFRB na malaking tulong ang programa sa dagdag na kita ng mga kalahok na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic, mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin. Para sa mga mananakay, ang natitipid nilang pamasahe ay maaring idagdag upang matustusan ang ibang pang-araw-araw na pangangailangan.

Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa malasakit at serbisyong hatid ng mga konduktor, opereytor at drayber para sa mga pasahero.

Ikaw, anong kwento mo? Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!

#ModernHeroes
#DOTrPH
#LTFRB
#LibrengSakay
#KAISAKAY
#ServiceContractingProgram
#TotoongTaoTotoongKwento