PANOORIN: Pinangungunahan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade at Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, kasama sina Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin B. Delgra III at DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Atty. Mark Steven Pastor, ang paglada ng Memorandum of Agreement ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) Livelihood Assistance Program ngayong araw, ika-12 ng Oktubre 2021.

Ang naturang programa na binansagang enTsuperneur Program ay layong magbigay-tulong sa mga drayber, operator, at iba pang miyembro ng PUVMP. Sa pamamagitan ng programa, maaaring makapag-negosyo ang mga apektadong stakeholders, matustusan ang kanilang kasalukuyang negosyo, o ‘di kaya’y buhayin ang kanilang negosyo na malubhang apektado ng kalamidad.

Bukod sa insentibong ibibigay ng DOTr, mabibigay ng libreng training ang DOLE para mapabuti ng stakeholders ang kanilang mga negosyo. Magsisimula ngayong Oktubre ang enTSUPERneur Program na magtatapos sa Marso 2022.

#PUVMP
#LTFRB
#DOTr
#DOLE

https://www.facebook.com/DOTrPH/videos/345257577391769/?t=28

Nag-live si Department of Transportation – Philippines.1 oras

PANOORIN: Pinangungunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade at Department of Labor and Employment – DOLE Secretary Silvestre Bello III ang paglagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong makapagbigay ng livelihood assistance sa bawat tsuper, operator, konduktor at iba pang miyembro na apektado ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa ilalim ng “enTSUPERneur Program” ngayong araw, ika-12 ng Oktubre 2021.

Ang “enTSUPERneur Program” ay naglalayong matulungan ang mga apektadong tsuper, operator, konduktor, miyembro ng kooperatiba at mga indibidwal na operator, na mabigyang pagkakataon na makapagtayo, makapagtrabaho at makapagsimula ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance at paunang kapital.

Bahagi ng magandang programang ito ang entrepreneurial-related training, businesses management orientation, business capital para sa kinakailangang kagamitan, micro-insurance, at ang pagbibigay ng iba pang suporta at monitoring activities para masigurong maayos ang takbo ng negosyong napili ng mga lalahok dito.

Katuwang sa naturang programa sina Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB Chairman Martin Delgra III at Office of Transportation Cooperatives (OTC) Officer-in-Charge (OIC) Chairman Eugene Pabualan.
#DOTrPH #DOLE #LTFRB #OTC #EnTSUPERneur #SamaSamaSaArangkada