Ipinapaalam ng Land Transportation Franchsing and Regulatory Board (LTFRB) Central Office na HINDI TATANGGAP ANG OPISINA NG ANUMANG PISIKAL NA TRANSAKSYON MULA NGAYONG ARAW, HUWEBES, IKA-6 NG ENERO HANGGANG BIYERNES, IKA-7 NG ENERO, 2022.

Hindi rin magiging aktibo ang aming 24/7 hotline na 1342 simula ngayong Huwebes, ika-6 ng Enero hanggang Linggo, ika-9 ng Enero, 2022.

Dahil sa tumataas na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ang mga empleyado ng ahensya ay sasailalim sa mass swab testing. Sasailalim din sa masusing disfection ang mga pasilidad ng LTFRB Central Office sa mga nasabing araw.

Para sa mga nais kumunsulta, magbigay ng katanungan, ulat, at concerns, maaring:

  1. Magpadala ng mensahe sa aming LTFRB Official Facebook page o;
  1. Magpadala ng e-mail sa Public Assistance Complaints Desk (PACD) e-mail address – pacd@ltfrb.gov.ph

Para sa gabay ng lahat.

LTFRB

https://www.facebook.com/100069179110576/posts/230931762556126/?d=n