Ipinapaalam ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office at LTFRB-NCR na HINDI TATANGGAP AND OPISINA NG ANUMANG PISIKAL NA TRANSAKSYON BUKAS, IKA-10 NG ENERO, 2022.

Bukod pa riyan, hindi pa rin magiging aktibo ang aming 24/7 hotline na 1342 bukas.

Kasunod ‘yan ng isinagawang mass swab testing sa mga empleyado ng ahensya noong nakaraang Huwebes, ika-6 ng Enero 2022. Sa ngayon, hinihintay pa rin ng LTFRB ang resulta ng swab test ng mga kawani ng tanggapan.

Para sa mga nais kumunsulta, magbigay ng katanungan, ulat, at concerns, maaring:

  1. Magdala ng mensahe sa aming LTFRB Official Facebook page o;
  2. Magpadala ng e-mail sa Public Assistance Complaints Desk (PACD) email address – pacd@ltfrb.gov.ph

Patuloy naman ang mga online transactions tulad ng mga sumusunod at kung saan maaaring ipadala ang mga dokumento:

  1. Request for Special Permit – online.td@ltfrb.gov.ph
  2. Correction of Typographical Error – online. td@ltfrb.gov.ph
  3. Request for Confirmation of Unit/s – online.ismd@ltfrb.gov.ph
  4. Request for Franchise Verification – online.ismd@ltfrb.gov.ph
  5. Request for Issuance or Extension of Provisional Authority – legal@ltfrb.gov.ph

Para sa gabay ng lahat.

LTFRB