Binuksan na ng Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) ang application ng 7,870 units ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) ngayong araw, ika-30 ng Abril 2022, upang madagdagan ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Base sa inilabas na Board Resolution No. 065 s. 2022, 7,870 units ang tatanggapin na application sa TNVS na mapapasailalim sa mga accredited na Transport Network Companies (TNC). Mula sa kabuuang bilang ng slots na bubuksan, 7,000 ang sa NCR habang 220 sa Region III, 500 sa Region V, at 150 naman sa Region VI.Sa mga nais na mag-apply upang mapabilang sa TNVS, inilabas ng LTFRB ang mga sumusunod na alituntunin ng accreditation:

1) Para sa Central Office, ang pagbubukas ng slots ay first come, first serve. Bago ang mismong pagbukas ng mga slots ay may ilalabas na registration ang LTFRB sa kanilang website o social media platforms.Para sa Regional offices, personal na pupunta sa tanggapan ang mga aplikante para mag-apply sa mga slot na first come, first serve. Mandato ng Regional Franchising and Regulatory Office (RFRO) na i-monitor ang mga bukas na slots.

2) Para sa Central Office, ang mga aplikante na gustong makakuha ng slot ay magre-register online sa system ng LTFRB na may kumpletong detalye at impormasyon ng aplikante. Ang mga aplikante na pasok sa registration ay mabibigyan ng reference number o confirmation e-mail kalakip ang nais na oras at petsa ng pag-file.Para sa mga Regional offices, ang RFRO ang magse-set ng schedule ng mga application kada batch ng mga aplikante.3) Ang sasakyan na gagamitin sa pag-apply ng TNVS ay hindi higit sa tatlong taon mula nang mabili ang naturang sasakyan. Kung ang sasakyan ay kasalukuyang naka-mortgage, kailangan magbigay ng aplikante ng Certificate of Conformity mula sa bangko o financial institution na pinagbabayaran ng naturang sasakyan.

4) Personal na magfa-file ang applicant sa tanggapan ng LTFRB Central Office. Kung hindi makakapunta ang mismong aplikante, maaaring mag-file ang asawa o direktang kamag-anak ng aplikante basta may dalang Special Power of Attorney kasama ang original copy ng valid government issued ID ng applicant at ng abogado niya.Maaari ring mag-apply ang abogado ng aplikante na may Entry of Appearance. Sa ganitong paraan, maaaring ang abogado ang tanging kinatawan ng aplikante na pinapayagang magproseso ng kanyang application.Dahil sa kakaibang proses ng pag-apply ng TNVS units, pinapayagan ng Board pagsumite ng paunang mga documentary requirements sa mismong pag-file: a) Apat (4) na kopya ng Verified Application (template galing sa www.ltfrb.gov.ph) b) Photocopy ng Official Receipt at Certificate of Registration (OR/CR). Kung naka-mortgag ang sasakyan, tanging mga aplikante na may Certicate of Conformity ang tatanggapin ng ahensya c) Proof of Filipino Citizenship, gaya ng Birth Certificate, Passport, Voter’s ID, o anumang government issued na identification card na nagpapakita ng citizenship ng aplikante.Ang Formal Offer of Evidence kalakip ang mga sumusunod na documentary requirements ay dapat maisumite limang (5) araw o mas maaga pa bago ang scheduled hearing:

a) Proof of existence of garage. Kung pag-aari ng aplikante ang garahe, kailangang magsumite ng Transfer Certificate of Title (TCT) o Tax Declaration ng ari-arian ng aplikante. Kung hindi ito pag-aari ng aplikante, kailangan magsumite ng TCT/Tax Declaration na may Notarized Lease of Contract o Notarized Authority to Use Garage na may ID ng nagpapaupa.

b) Proof of Financial Capability: Proof of Bank Deposit na P20,000 kada unit

c) 5R photograph ng bawat unit na ina-apply na TNVS (Harap, likod, at mga gilid ng mga sasakyan). Kailangang kunan ng litrato ng dyaryo kung kalian kinunan ng litrato ang mga sasakyan.

d) DTI Business Name Registration

e) BIR Certificate of Registration para sa pagsali Transport Service o Proof of Filing

f) Certificate of Accreditation mula sa accredited na Transport Network Company (TNC)

g) NBI at Police Clearance ng awtorisadong drayber

h) Proof of Publication:

i) Affidavit of Publication

ii) Copies of Publication

iii) Affidavit of Attestation na nagpapatunay na authentic ang mga dokumentong isinumite na bahagi ng Formal Offer of Evidence

5) Para sa Central Office, matapos ang application ay bibigyan ng Board ang aplikante ng Provisional Authority (PA) at saka pipili ng TNC para sa accreditation. Ang aplikante ang mismong makikipag-ugnayan sa TNC na kanyang pipiliin.Para sa Regional Offices, maaaring magbigay ng PA ang RFRO matapos ma-evaluate ang application, at pagkatapos ay pipili ang aplikante ng TNC para sa accreditation. Ang aplikante ang mismong makikipag-ugnayan sa TNC na kanyang pipiliin.

6) Ang TNC na mapipili ng aplikante ay may responsibilidad na i-validate ang application sa LTFRB bago ang accreditation. Tanging mga kumpleto at validated na application na may Personal Passenger Insurance Policy ang ma-a-accredit ng TNC.

7) Inaatasan ang TNC na mapipili ng aplikante na tulungan siya sa paghahanda at pagpresinta ng mga dokumentong bahagi ng Formal Offer of Evidence sa mismong schedule of hearing. Responsibilidad din ng TNC na present ang aplikante o may awtorisadong kinatawan ang aplikante sa mismong hearing. Ang pagtanggap ng mga aplikanteng hindi beripikado ang kanilang PA ay pananagutan ng naturang TNC na tumanggap sa aplikante.😎

8) Kasamang dadalo sa mismong hearing ang awtorisadong kinatawan ng TNC upang tulungan ang aplikante sa pagpresinta sa pagdinig.

9) Ang hindi pagsipot sa hearing ng aplikante at ng kinatawan ng TNC ay mangangahulogan ng pagkansela ng application sa TNVS.

10) Kung bigong magawa ng TNC ang kanyang responsibilidad base sa mga nabanggit na hakbang sa pag-apply ng aplikante sa TNVS, maaaring maapektuhan nito ang kanyang Certificate of Accreditation.Sa mga nais na mag-apply, narito ang mga hakbang sa pagkuha ng appointment date:

1) I-access ang link na ito gamit ang web browser: https://cpc-ltfrb.com.ph

2) Gumawa ng account at punan ang mga field sa system ng mahahalagang impormasyon

3) Matapos mabuo ang inyong account, maaari nang tumungo ang aplikante sa registration para sa kanilang appointment date sa pamamagitan ng pag-click sa “SELECT TRANSACTION” na button para marehistro ang mga detalye ng aplikante at kanyang mga sasakyan.

4) Sundan ang mga direksyon sa mga sumusunod na page sa registration link at kumpletuhin ang mga detalyeng hinihingi.

5) Ang sasakyan na irerehistro ay hindi dapat hihigit sa tatlong (3) taon ang tanda.

6) Ang listahan ng mga requirements at appointment ng face-to-face filing sa LTFRB Central Office ay ibibigay ng system sa registration link.

7) May text message na matatanggap ang aplikante kung nagawa niya lahat ng mga nabanggit na hakbang sa registration para makakuha ng appointment.

Narito naman ang mga hakbang na kailangang sundin sa face-to-face filing ng TNVS applicant:Sa Technical Division:

1) Sa mismong appointment date, magpunta sa Technical Division sa ground floor para makakuha ng queuing number.

2) Iprisinta ang paunang requirement sa personnel sa window ng Documents/Information Checking:

a) Kung kumpleto ang naisumite, bibigyan ang aplikante ng Payment Order Slip

b)Kung hindi kumpleto ang naisumite, ire-reject ng Technical Division ang application

3) Magtungo sa Cashier upang bayaran ang nasa Payment Order Slip

4) Matapos magbayad, bumalik sa window para opisyal na matanggap ang Application for CPC na may kumpletong dokumento para sa pagbibigay sa aplikante ng Case Number

5) Kumuha ng Personal Passenger Insurance mula sa mga accredited na insurance company at magsumite ng kopya ng insurance sa window. Hindi mabibigyan ng Notice of Hearing at Provisional Authority ang hindi makakapagbigay ng kopya ng Personal Passenger Insurance.

6) Bumalik sa LTFRB pagkatapos ng five (5) working days upang magtungo sa Legal Division para sa mga susunod na hakbang sa pag-file ng applicationSa Legal Division: 1) Iprisinta ang photocopy ng Verified Application na opisyal na tinanggap ng Technical Division. 2) Para sa mga aplikante, magprisinta ng kahit anong govenrment ID a) Para sa mga awtorisadong kinatawan ng aplikante, magdala ng Special Power of Attorney at photocopy ng Government ID ng aplikante at kanyang kinatawan. 3) Hintayin ang LTFRB na magbigay ng Notice of Hearing at Provisional Authority. 4) Matapos mabigyan ng Provisional Authority, maaari nang pumunta ang aplikante sa TNC na kanyang pipiliin.Samantala, humihingi ng paumanhin ang LTFRB sa naantalang pagbubukas ng application ng TNVS na dapat ay noon pang ika-18 ng Abril pa nabuksan. Kasunod ‘yan ng problemang teknikal na naranasan ng ahensya.Pinapaalala naman ng ahensya na sundin ang mga sumusunod na hakbang upang mapadali ang application sa TNVS at maisaayos ang pagseserbisyo sa publiko.

May be an image of 1 person, car and text that says 'LTFRB DOTE APPLICATION PARA SA 7,870 UNITS NG TNVS, BINUKSAN NA NG LTFRB TNVS'