Ang Public Utility Vehicle Service Contracting ng Department of Transportation (DOTr), katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ay tatakbo sa loob ng tatlong (3) buwan. Kasalukuyan nang inihahanda ang paglunsad nito sa mga susunod na linggo.

Layunin ng programa na makapagbigay ng karagdagang tulong sa ating mga drayber ngayong panahon ng pandemya at ng new normal. Sa pamamagitan din ng programang ito, hinihikayat ng kagawaran ang mas maayos at ligtas na serbisyo sa pampublikong transportaston para sa ating mga commuter.

Ang SERVICE CONTRACTING ay ilulunsad sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan nito, Metro Cebu, at sa Metro Davao.

Para sa karagdagang kaalaman, abangan lamang dito sa aming Facebook page ang Frequently Asked Question (FAQ) series tungkol sa Service Contracting.