Ipinapaalam ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubado na ang revised Citizen’s Charter na makapagbibigay-tulong upang mapadali ang mga transaksyon ng ahensya at patuloy na maitaguyod ang pagbibigay ng Ease of Doing Business. Mga Mahahalagang Paalala:1. Ang implementasyon ng 2020 Citizen’s Charter (2nd Edition) ay epektibo simula March 29, 2021;2. Mangyaring kumpletuhin ang lahat ng kinakailangang dokumento/requirements bago magpasa ng Application o Request;3. Ang mga aplikanteng makakapagsumite ng kumpletong requirements lamang ang tatanggapin at maproseso ng opisina;4. Para sa kumpletong detalye ng 2020 Citizen’s Charter (2nd Edition) kung saan makikita ang requirements at process flow, i-click lamang ang link na ito: – Central Office: https://ltfrb.gov.ph/…/ARTA-Citizens-Charter_Central…– LTFRB RFRO: https://ltfrb.gov.ph/…/ARTA-Citizens-Charter-RFRO_FINAL…Para sa karagdagang katanungan, tumawag sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342