Naglabas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng “Guidelines in the Conduct of On-line Hearing During Community Quarantine” para sa tanggapan ng Central Office at NCR, sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 2020-069.

Ang pagpapatupad ng On-Line Hearing ay alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation Secretary Arthur P. Tugade na gumamit ng technology-driven initiatives. Ito ay upang makapaghatid ng mas mabilis, maayos, ligtas, maginhawa at maaasahang serbisyo na makababawas sa pakikisalamuha sa kapwa, upang matigil ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at habang nakapailalim ang mga nasabing lugar sa community quarantine.

Ayon sa guidelines, MANDATORY ang pag-sumite ng CONTACT DETAILS ng mga operator/aplikante, o complainant para sa mga kaso ng complaint.

Ang mga contact details na kinakailangang PISIKAL NA ISUMITE sa Information Systems Management Division (ISMD) ay ang mga sumusunod:
1. Active personal email address;
2. Contact number (mobile); at
3. Case number ng application.

MAHALAGA na isumite ang active contact details dahil ito ang pangunahin at pangmatagalang linya ng komunikasyon na gagamitin ng ahensya upang maproseso ang mga kaso.

Sakop ng MC ang guidelines para sa mga regular na kaso na PENDING, maaaring reset hearing o initial hearing, mga COMPLAINT, EN BANC, at APPREHENSION na kaso bago pa ang community quarantine, gayon din ang mga isusumite sa ilalim ng pagiging epektibo nito.

WALANG WALK-IN request, transaction, o inquiry na tatanggapin ang ahensya. Lahat ng mga ito ay kinakailangan idaan sa hotline number, email address, at social media account na ibinigay sa website (ltfrb.gov.ph).

Para sa iba pang transaction, maaari din tumungo sa Public Transport Online Processing System (PTOPS) ng LTFRB-NCR, https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en At para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang MC 2020-069 na matatagpuan sa link na ito: https://ltfrb.gov.ph/…/2020/11/LTFRB-MC-2020-069.pdf