Nakalikom ng mahigit pa sa halagang P170,000 ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region V, na pinamumunuan ni Regional Director P/Maj. Gen. Antonio B. Gardiola Jr. (Ret.), mula sa iba’t ibang Regional Franchising and Regulatory Offices (RFRO) ng ahensya.

Matindi ang pasasalamat ng LTFRB Region V sa mga empleyado ng ahensya at transport cooperatives at corporations sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa pagkakapit-bisig ng mga ito upang makapag-abot ng tulong sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa Bicol Region.

Sinalubong ng paghagupit ng Super Typhoon Rolly ang Bicol noong unang araw ng Nobyembre 2020. Nagdulot ng malakas na hangin, ulan, at maging lahar flow ang dalawang beses na pagtama ng bagyo sa rehiyon. Marami sa mga residente ng Bicol Region ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mga pangunahing pangangailangan

Kapwa P30,000 ang cash donation na ipinaabot ng Regions X at Cordillera. Mayroon ding P26,720 mula sa Caraga, samantalang P25,000 naman ang ibinigay ng Region XII. Ang Region III ay nagbigay ng P17,500, gayon din ang R9 na nakapgbigay ng P11,700. Mula Region VII ay nakatanggap ng P10,000 P7,450 mula sa Region VI, P4,690 mula Region I, at P3,620 ang mula sa NCR. Bukod pa ang ito sa in kind donations na pinadala ng ilan sa mga RFROs.

Marami pa ang nangangailangan ng pagkain bigas, canned goods, noodles, kape, damit, at hygiene kits. BUKAS PA ANG AHENSYA sa mga nais tumulong, maaaring makipag-ugnayan sa aming LTFRB RFRO sa Region V.

Tumawag lamang sa numerong 0917 804 2684 o mag-message sa kanilang Facebook page https://www.facebook.com/LTFRBRegion5#RollyPH#LTFRB