Alinsunod sa Memorandum Circular (MC) 2020-064, muling magbubukas ng karagdagang apat (4) na Traditional Public Utility Jeepneys (TPUJ) routes ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Mayroon namang 507 TPUJ units ang papasada sa mga rutang ito sa Kalakhang Maynila simula ika-30 ng Oktubre, 2020.

Narito ang mga dagdag na TPUJ routes na magbubukas sa Biyernes:

  1. T266 Parang – Recto
  2. T267 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
  3. T268 Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.
  4. T3171 Libertad – Pinagbarilan

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang TPUJ, maliban na lang kung ipinagutos ito ng LTFRB.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts: 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at 7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga TPUJ na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito naman ang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:

  1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
    Bilang ng mga rutang binuksan: 336
    Bilang ng authorized units: 29,227
  2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
    Bilang ng mga rutang binuksan: 48
    Bilang ng authorized units: 865
  3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
    Bilang ng mga rutang binuksan: 34
    Bilang ng authorized units: 4,447
  4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)
    Bilang ng mga rutang binuksan: 34
    Bilang ng authorized units: 387
  5. UV EXPRESS
    Bilang ng mga rutang binuksan: 98
    Bilang ng authorized units: 4,327
  6. TAXI
    Bilang ng authorized units: 20,964
  7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
    Bilang ng authorized units: 25,068
  8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
    Bilang ng mga rutang binuksan: 14
    Bilang ng authorized units: 305
  9. MODERN UV Express
    Bilang ng mga rutang binuksan: 2
    Bilang ng authorized units: 40