LTFRB, NANANAWAGAN SA 160 PUV OPERATORS NA KUNIN ANG KANILANG SUBSIDIYA SA ILALIM NG DIRECT CASH SUBSIDY.
Nananawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga Public Utility Vehicle (PUV) operators na hindi pa nakatatanggap ng subsidiya sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB na kunin na ito bago matapos programa bukas, ika-30 ng Hunyo 2021.Sa datos ng LTFRB, nasa 160 operators ang hindi pa nakakakuha ng kanilang subsidiya sa pamamagitan ng Over the Counter (OTC) transaction sa Landbank of the Philippines (LBP). Maaaring makita ang listahan ng mga naturang operators sa link na ito: https://bit.ly/DCSListofUnclaimedBenefeciariesasof29June2021
Para sa mga PUV operators ang kanilang subsidiya, maaaring pumunta sa mga sumusunod na branch ng LBP:-LBP EAST AVE.BRANCh-LBP COMMONWEALTH BRANCH-LBP PASAY BRANCH-LBP MUNTINLUPA BRANCH-LBP SHAW BLVD BRANCHUpang makuha ang kanilang subsidiya sa mga nabanggit na LBP branch, mangyaring dalhin ang mga sumusunod:
-Certificate mula sa LTFRB-Information Systems Management Division
-Valid ID ng operator
-Photocopy ng ID ng Operator na may dalawang original signature
-Para sa mga korporasyon at kooperatiba, board resolution o secretary certificate na nakasaad ang awtoridad ng representative ng operator na mag-claim ng subsidiya
Ang Direct Cash Subsidy ay isang programa sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One Act o Bayanihan II na hangad na magbigay-tulong sa mga operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pampublikong transportasyon. Ang mga benepisyaryo ng direct cash subsidy ay mga operator ng mga sumusunod na PUV na may nakatakdang ruta:
– Public Utility Bus (PUB);
– Point-to-Point Bus (P2P);
– Public Utility Jeepney (PUJ);
– Mini-Bus;
– UV Express; at
– FilCab
#LTFRB
#DOTrPH
#DirectCashSubsidy