Magbubukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng pitong (7) ruta patungong Region VI at pabalik ng Metro Manila para sa pagbiyahe ng 221 na Provincial Buses simula Miyerkules, 18 Nobyembre 2020.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-051-C na inilabas ng ahensya ngayong 16 Nobyembre 2020.

Ang mga sumusunod na ruta ay bubuksan sa Miyerkules:

1 KALIBO, AKLAN – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

2 MALAY, AKLAN – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

3 SAN JOSE, ANTIQUE – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

4 ROXAS CITY, CAPIZ – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

5 ESTANCIA, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

6 ILOILO CITY, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

7 MIAG-AO, ILOILO – STA. ROSA INTEGRATED TERMINAL, LAGUNA

Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial Buses, maliban na lang kung ipinagutos ito ng LTFRB.

Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.

Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.

Para makuha ang QR code, magpadala lamang ng request sa aming FACEBOOK PAGE para sa QR code, kasama ang mga sumusunod na impormasyon: pangalan, mode (hal. PUJ, UVE, etc), case, plaka o chassis number.

Dagdag pa riyan, istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Pinapaalala rin ng LTFRB sa mga operator at driver ng Provincial Buses na sundin ang mga patakaran ng ahensya. Ang sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng MC ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.

Narito naman ang kasalukuyang bilang ng mga ruta na binuksan sa loob at labas ng Metro Manila at bilang ng mga PUV na bumibiyahe sa mga naturang ruta simula noong ipatupad ang General Community Quarantine noong 01 Hunyo 2020:

1. TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)Bilang ng mga rutang binuksan: 387Bilang ng authorized units: 35,022

2. MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)Bilang ng mga rutang binuksan: 48Bilang ng authorized units: 865

3. PUBLIC UTILITY BUS (PUB)Bilang ng authorized units: 4,499

4. POINT-TO-POINT BUS (P2P)Bilang ng mga rutang binuksan: 34Bilang ng authorized units: 390

5. UV EXPRESSBilang ng mga rutang binuksan: 118Bilang ng authorized units: 6,755

6. TAXIBilang ng authorized units: 21,436

7. TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)Bilang ng authorized units: 25,068

8. PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)Bilang ng mga rutang binuksan: 27Bilang ng authorized units: 680

9. MODERN UV ExpressBilang ng mga rutang binuksan: 2Bilang ng authorized units: 40