Magbubukas ng karagdagang 30 ruta ng Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) at 22 ruta ng UV Express ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula Linggo, ika-25 ng Oktubre 2020.
Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade na ipatupad ang Operation Plan (OPLAN) AIR (Add routes/PUVs, Increase speed/capacity, Reduce travel time), alinsunod sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang buong Gabinete na aprubahan ang rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) upang tulungang makabangon muli ang ekonomiya.
Base sa Memorandum Circular (MC) 2020-062 at MC 2020-063, narito ang bilang ng mga dagdag ng Public Utility Vehicles (PUVs) na maari nang bumiyahe:
• MC 2020-062: 22 UVE routes; 1,064 units
• MC 2020-063: 30 TPUJ routes; 1,704 units
Nakasaad sa MC 2020-062 ang sumusunod na UVE routes:
- N25 BF Paranaque – Ayala Center
- N26 Brgy. Fortune (Marikina City) – Cubao, Quezon City
- N27 Deparo – SM North EDSA/C.I.T
- N28 Deparo – Blumentritt
- N29 Lagro – Quiapo via Sauyo
- N30 Lagro – SM North EDSA
- N31 Lagro – T.M. Kalaw
- N32 Lower Bicutan – SM Makati
- N33 Malabon – Ayala
- N34 Novaliches – Cubao Farmers’ Market
- N35 Novaliches – Monumento
- N36 Pasig San Joaquin – Robinson’s Galleria
- N37 Southmall – Lawton
- C53 Bahayang Pag-asa – Park and Ride, Lawton
- C54 Camella Holmes, Springville – Ayala Avenue
- C55 Camella Homes, Springville – Metropolis Mall, Alabang
- C56 Imus, Cavite – Ayala Avenue
- C57 Queen’s Row, Cavite – Park and Ride, Lawton
- C58 Sto. Nino, Meycauayan, Bulacan – Quezon Avenue
- C59 Tabang – Tutuban
- C60 Tanay, Rizal – EDSA Shaw Boulevard
- C61 Malolos, Bulacan – Quezon Avenue
Samantala, narito naman ang mga TPUJ routes na nakasaad sa MC 2020-063:
- T172 H. Dela Costa II – SM Fairview via Quirino Highway
- T173 Munoz Market – Quezon Memorial Circle via Visayas Ave., Congressional Ave.
- T174 Novaliches – Camarin Extended Bagong Silang, Novaliches
- T175 Novaliches – Rizal Ave. Via Banal
- T176 Novaliches – Tala
- T261 Marikina – Pasig via Dela Paz
- T262 SM Marikina – Pasig
- T263 Pasig (TP) – Taguig (TP) via Pateros
- T264 Pasig Market – Taguig via Bagong Calzada
- T265 Mambugan – Marikina
- T3153 Gasak – Recto via Heroes Del 96
- T3154 Gasak – Sta. Cruz via Heroes Del 96
- T3155 L. Guinto – Makati via San Andres
- T3156 Makati PUJ Loop (Start from PRC Terminal)
- T3157 Malinta – Recto via F. Huertas, Oroquieta
- T3158 Malinta – Sta. Cruz via F. Huertas, Oroquieta
- T3159 Munoz – Pantranco via Roosevelt Ave.
- T3160 Munoz – Remedios via Sta. Cruz, L. Guinto
- T3161 P. Faura – San Andres via M. Adriano
- T3162 Pier South – Project 2&3 via E. Rodriguez
- T3163 Pier South – Project 2&3 via Timog Ave.
- T3164 Pier South – Project 4 via Espana
- T3165 Project 2&3 – T.M. Kalaw via Timog Ave.
- T3166 Punta – Quiapo (Barbosa) via Sta. Mesa
- T3167 Quezon Ave. – LRT 5th Ave., Caloocan City
- T3168 Recto – Retiro via F. Huertas, Oroquieta
- T3169 Recto – Roxas District via Quezon Ave., Espana Ave.
- T3170 Divisoria – Gasak via H. Lopez
- T426 Queens Row Village – Talon via M. Alvarez
- T427 Molino, SM Bacoor – Alabang
Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy PUVs na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV. Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.govph/).
Muling pinapaalala ng LTFRB na walang taas-pasahe na ipatutupad maliban na lang kung opisyal na inilahad at inaprubahan ng ahensya.
Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang Traditional PUJs at UVE units ay ang pagpapatupad ng mga health and safety protocols, kabilang ang mga sumusunod na “7 Commandments”, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan:
1) Palagiang pagsusuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).
Narito ang kabuuang bilang ng mga public utility vehicles na pinayagang mag-operate ng LTFRB sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo 2020:
TRADITIONAL PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 322
Bilang ng mga awtorisadong units: 28,720
MODERN PUBLIC UTILITY JEEPNEY (PUJ)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 48
Bilang ng mga awtorisadong units: 845
PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 34
Bilang ng mga awtorisadong units: 4,164
PROVINCIAL PUBLIC UTILITY BUS (PUB)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 14
Bilang ng mga awtorisadong units: 305
POINT-TO-POINT BUS (P2P)
Bilang ng mga rutang nabuksan: 34
Bilang ng mga awtorisadong units: 387
UV EXPRESS
Bilang ng mga rutang nabuksan: 98
Bilang ng mga awtorisadong units: 4,327
UV EXPRESS CLASS 3
Bilang ng mga rutang nabuksan: 2
Bilang ng mga awtorisadong units: 40
TAXI
Bilang ng mga awtorisadong units: 20,927
TRANSPORT NETWORK VEHICLES SERVICES (TNVS)
Bilang ng mga awtorisadong units: 24,356