Narito ang listahan ng mga kasong hindi nadinig online dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Metro Manila at nai-reschedule ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na buwan, na makikita sa link na ito: Reschedule Online hearing for April-May

Oras na makumpleto at matanggap ng LTFRB ang mga dokumentong kailangan isumite kalakip sa Formal Offer of Evidence, magbibigay ng abiso ang ahensya via SMS/Text na naipadala sa email address ang schedule at LINK INVITE na gagamitin para sa ZOOM ONLINE HEARING.

Para sa mga Notice of Hearing na naka-schedule ngayong ABRIL na hindi nai-publish dahil sa pagpapatupad ng ECQ sa NCR, maaaring mag-file ng Manifestation for Issuance of Second Notice of Hearing sa DOOR D ng LTFRB Central Office.

Kung hindi makapagsumite o di kaya ay hindi maka-attend sa bagong petsa itinakda para sa Online Hearing o di kaya ay kulang ang inyong isinumiteng dokumento, ang inyong kaso ay Automatically submitted for consideration of the Board, batay sa LTFRB Memorandum Circular No. 2020-069.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring basahin ang MC 2020-069.