Papayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office ang mga pisikal or face-to-face transactions simula ngayong Lunes, ika-6 ng Setyembre 2021, sa gitna ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na matatapos sa ika-7 ng Setyembre, SUBALIT MARIING IPAGPAPATUPAD NA HANGANG ALAS-DOSE NG TANGHALI (12NN) LAMANG MAGPAPAPASOK NG PUBLIKO ANG NASABING TANGAPAN.

Ang tanggapan naman ng LTFRB-NCR ay muling tatanggap ng mga pisikal na transaksyon simula ika-8 ng Setyembre 2021, kasabay ng pagpapatupad ng Granular Lockdown sa ilang bahagi ng Metro Manila. SA NGAYON, ONLINE TRANSACTIONS LAMANG ANG PAPAYAGAN NG LTFRB-NCR SA PAMAMAGITAN NG PUBLIC TRANSPORTATION ONLINE PROCESSING SYSTEM (PTOPS) HANGGANG MARTES, IKA-7 NG SETYEMBRE.

Sa mga gustong makipagtransaksyon online sa LTFRB Central Office, narito ang e-mail address kung saan maaaring ipadala ang inyong mga transaksyon:

  1. Request for Special Permit at Correction of Typographical Error: online.td@ltfrb@gov.ph;
  2. Request for Confirmation of Unit/s at Request for Franchise Verification: online.ismd@ltfrb.gov.ph;
  3. Request for Issuance or Extension Provisional Authority: legal@ltfrb.gov.ph;
  4. Legal Concerns/Query (Hearing Schedule and Status): legalconcerns@ltfrb.gov.ph;
  5. Information Systems Management Division (ISMD): ismd@ltfrb.gov.ph;
  6. Public Utility Vehicle Modernization Program National Project Management Office (PUVMP-NPMO): puvmptechnical.ltfrbco@gmail.com

Matapos ang pagtanggap na hanggang alas-dose ng tanghali (12NN), isasara na ang tanggapan LTFRB Central Office sa publiko bunsod ng pagtaas ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa naturang tanggapan. Sa kabila niyan, patuloy ang operasyon ng naturang tanggapan hanggang alas singko ng hapon.

Mahigpit na ipatutupad ng LTFRB ang No Face Mask, No Face Shield, No Entry Policy, maging ang mga alituntunin ng Inter-Agency Task Force For Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), sa mga pupunta sa tangapan ng LTFRB Central Office at LTFRB-NCR lalo na sa mga pinapayagan lumabas ng kanilang mga tahanan.

BUKAS PA RIN ANG 24/7 PUBLIC ASSISTANCE DESK HOTLINE 1342 para tumanggap ng mga tawag mula sa publiko. Bukod diyan, maaaring ipaabot ang inyong mga katanungan, reklamo, ulat, at concerns sa ating Official Facebook Page at Facebook Messenger. Maaari ring mag-email sa pacd@ltfrb.gov.ph.

LTFRB

https://www.facebook.com/1416241841951073/posts/2991354561106452/?d=n

May be an image of text that says 'LTFRB MGA TANGGAPAN NG LTFRB CENTRAL OFFICE AT NCR OFFICE, MULI NANG TATANGGAP NG MGA PISIKAL NA TRANSAKSYON'
May be an image of text that says 'NOTICE TO THE PUBLIC All transactions shall be accepted except on the following transactions mandated to be online per MC No. 2020-016 TRANSACTION 1 EMAIL ADDRESS REQUEST FOR SPECIAL PERMIT 2 CORRECTION OF TYPOGRAPHICAL ERROR online.td@ltfrb.gov.ph 3 REQUEST FOR CONFIRMATION OF UNIT/S REQUEST FOR FRANCHISE VERIFICATION online.ismd@ltfrb.gov.ph 5 REQUEST FOR ISSUANCE OR EXTENSION PROVISIONAL AUTHORITY 6 legal@ltfrb.gov.ph FOR LEGAL CONCERNS/QUERY (HEARING SCHEDULE, STATUS) LegalConcern@ltfrb.gov.ph'