MAYNILA — Patuloy ang pagsasagawa ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng orientation para sa mga drayber na sasailaim sa Service Contracting Program. Ang orientation ay parte ng onboarding process ng programa na magbibigay-daan upang mas maintindihan ng mga drayber ang Service Contracting at mga salik nito.

Ang Service Contracting Program ay inilusad na upang makapaghain ng karagdagang kita para sa mga drayber at magkaroon ng maaasahan at mas ligtas na pampublikong transportasyon para sa mga mananakay.

Ngayong linggo, sumailalim ang kabuuang 116 draybers mula sa Tandang Sora-Visayas Avenue-Quezon City Hall Jeepney Operators and Drivers Association, Inc., Novaliches-Malinta Transport Cooperative, at BASICANO TSMPC sa orientation at training mula sa LTFRB.

Hinihikayat ang lahat ng kwalipikadong drayber na magrehistro upang maging bahagi ng programa.

Maaaring magrehistro sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod na paraan:
1. Magrehistro gamit ang Google Form. I-click lang ang link na ito: https://tinyurl.com/ServiceContracting;
2. Pumunta sa Ground Floor, Door D, LTFRB Central Office, East Avenue, Quezon City. Ang Walk-in Registration ay bukas mula 9AM hanggang 4PM, Lunes-Biyernes; o
3. Tumawag sa LTFRB Hotline: 1342.
Antabayanan ang mga karagdagang impormasyon ukol sa General Registration sa mga susunod na araw.