Bukod sa Public Transport Online Processing Service (PTOPS), pinapayagan din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-register ang mga Public Utility Vehicle (PUV) driver na mag-register sa Service Contracting Program sa pamamagitan ng Google Forms.

Ang Service Contracting Program ay bahagi ng nilagdaan na Bayanihan To Heal As One Act II para mabigyang-buhay ang ilang industriya sa bansa, kabilang na ang mga pampublikong sasakyan.Para sa mga drayber na nais mapasama sa database ng mga kwalipikado sa naturang programa, mangyaring i-click ang link na ito para mapunta sa Google Form para sa naturang programa:

https://tinyurl.com/ServiceContracting

Sa mismong link, punan ang mga kailangang impormasyon para programa.

Paalala ng LTFRB sa mga gustong sumali sa program na ang pag-register sa Google Forms ay tatagal hanggang Linggo, 11 October 2020.