Maaari nang kunin ng mga traditional Public Utility Jeepney (PUJ) operators o draybers ang kani-kaniyang QR Code mula sa website ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang makabiyahe sa sa mga ruta base sa inilabas na Memorandum Circular (MC) No. 2020-026 ng ahensya.

Base sa MC 2020-026, hindi na kailangang mag-apply ng Special Permit (SP) sa LTFRB ang mga PUJ operators/draybers. Sa halip ay bibigyan sila ng QR Code para matiyak na lehitimo ang mga units na tatakbo sa kani-kanilang ruta na nakalathala sa naturang MC.

Para makuha ang inyong QR Code, sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

  1. Pumunta lamang sa LTFRB QR Codes at piilin kung anong klase ng pampublikong sasakyan ang iyong unit o alinman sa mga sumusunod na link:
    a. http://ltfrb.gov.ph/qr-codes/puj-service/
    b. http://ltfrb.gov.ph/qr-codes/puj-service--b/
    c. http://ltfrb.gov.ph/qr-codes/puj-service--c/
    d. http://ltfrb.gov.ph/qr-codes/puj-service-_-d/
    e. http://ltfrb.gov.ph/qr-codes/puj-service-_-e/
  2. Hanapin ang inyong QR information gamit ang universal search (pangalan, case, plaka/chassis number kung walang plaka)
  3. Ipapakita ng system ang Page at Batch File na kalakip sa QR Code ng PUJ unit
  4. I-click ang Batch File at pansinin ang PAGE number ng naturang unit
  5. I-download o i-print ang QR code at iprisinta sakaling inspeksyunin ang PUJ unit.

Miyerkules nang inanunsyo ng LTFRB ang pagbubukas ng rationalized routes para sa mga traditional PUJ para serbisyuhan ang mga commuter sa Metro Manila. 49 na ruta ang binuksan para sa higit 6,000 traditional PUJ units.

Nakapaloob din sa MC 2020-026 ang pagpapatupad ng Social Distancing Guidelines sa mga pampasaherong jeep para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).