Kalakip sa listahan ang mga operator ng mga bus company at kanilang contact details sakaling nais silang makuha na private shuttle service.

Dahil pribado ang paggamit sa mga Public Utility Bus (PUB) units na pinapayagan bumiyahe sa ilalim ng MECQ, hindi na kailangang kumuha ng SPECIAL PERMIT ang mga operator ng mga naturang bus line. Kailangan lang na may valid Certificate of Public Convenience (CPC) o Provisional Authority (PA) ang mga PUB.

Paalala ng LTFRB sa mga bus company na sundin ang public health safety protocols tulad ng Social Distancing at 50% maximum passenger load capacity.

Ang listahang ito ay maaari pang madagdagan sa mga susunod na araw. Para sa mga update, bisitahin ang aming Official Facebook Page.