Buksan lamang ang link na ito: https://bit.ly/32TkPEB

Ang Direct Cash Subsidy ay programa ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act II upang magbigay-tulong sa mga operators na nahihirapan makabawi ng kanilang kita dahil sa safety protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa pampublikong transportasyon.

Para sa mga drayber at operator na walang hindi pa nakatatanggap, ang pamamahagi ng Direct Cash subsidy ay gagawin sa alinman sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Ilalagay sa inyong Landbank of the Philippines (LBP) Pantawid Pasada Program (PPP) Cash Cards.
2. Sa mga walang PPP cash cards, ilalagay sa inyong existing LBP account.
3. Ilalagay sa inyong existing bank account sa pamamagitan ng PESONet at INSTAPay.
4. Over-The-Counter withdrawal sa mga LBP servicing branches.

Antabayanan na lamang po ang KARAGDAGANG LISTAHAN sa mga susunod na araw.