Narito ang mga sumusunod na ruta at kaukulang fare matrix ng mga Public Utility Buses (PUBs) na magbibigay-serbisyo sa ating mga mananakay.

  • Route 4 (North EDSA-Fairview)
  • Route 6 (Quezon Ave.-EDSA Taft Ave.)
  • Route 16 (Ayala Ave.-FTI)

Ito naman ang mga ruta na bukas na simula noong unang linggo ng Hunyo:

  • Portion of Route E (EDSA Carousel)
    *to augment MRT-3/partial operational
  • Route 1 (Monumento-Balagtas)
    -Route 2 (Monumento – PITX)
  • Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
  • Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
  • Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)
  • Route 8 (Cubao-Montalban)
  • Route 9 (Cubao-Antipolo)
    *to augment LRT-2
  • Route 11 (Gilmore-Taytay)
  • Route 13 (Buendia-BGC)
  • Route 17 (Monumento-EDSA Taft)
    *to augment LRT-1
  • Route 18 (PITX-NAIA Loop)
  • Route 21 (Monumento-San Jose Del Monte)
  • Route 24 (PITX-Alabang)
  • Route 25 (BGC-Alabang)
  • Route 28 (PITX-Dasmariñas)
  • Route 29 (PITX – General Mariano Alvarez)

Ang unti-unting pagbubukas ng mga ruta ay base sa gradual, calibrated, at in phases approach na pinapairalng pamahalaan sa pagbabalik-serbisyo ng pampublikong transportasyon.

Araw-araw ang isinasagawang adjustment ng ating pamahalaan upang matulungan ang ating mga commuter, ngunit sa pamamaraang hindi malalagay sa alanganin ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at DOTr, unti-unting ibabalik ang operasyon ng pampublikong transportasyon. Kasabay ng pagsisimula ng General Community Quarantine (GCQ), nagsimula ang operasyon ng mga Point-to-Point (P2P) Buses, taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), at PUBs na may nakatakdang mga ruta.

Ipinapaalala ng LTFRB sa mga operators at draybers ng mga PUBs na sundin ang mga protocols na nakalagay sa MC 2020-018 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, tulad ng pagsusuot ng face mask at gloves, paglilinis at pag-disinfect ng kaniya-kaniyang unit bago at pagtapos ng kada byahe o kada dalawang oras, paglalagay ng harang gawa sa non-permeable at transparent na materyales, at pagsunod sa passenger seating capacity na batay sa guidelines ng IATF-EID at ng DOTr.